Sunday, May 27, 2012

Ako bilang Kapatid.

naalala ko noong grade 1 to 2 ako ay binibilhan ako ng ate ko ng kilalang
tv super hero character na si "mask rider black".

naalala ko na dati ay si Ate ang kapartner ko sa paglalaro ng mga
"paper dolls" katunggali ang dalawang kapatid na babae pa.

naalala ko na ang Ate ko ang kengkoy sa aming magkakapatid.
siya ang matapang sa amin na ipagtanggol sa aming ama kapag
ito ay nagagalit at napapagalitan kami.

naalala ko na ang Ate ko ang laging kasama ko sa tuwing mamamasyal
ang buong pamilya para manood ng sine o kumain sa labas.

naalala ko na si Ate ang sinusuklayan ko sa buhok para
makatulog. tagabunot ng uban at tagamasahe.

naalala ko ng maglayas ako ay ang ate ko ang aking tinatakbuhan
at wala siyang gatol na ako ay tinatanggap.

naalala ko ang mga alaala na lumipas na.
iyun pala ang magiging dahilan para maalala ko kung
gaano siya kahalaga sa akin noong lumalaki ako.

gusto kong lumagi sa alaala niya na kagaya niya,
ako ang magpapatawa sa kanya kapag nalulungkot siya.
ako ang magiging laruan niya kapag naiinip siya.
ako ang makikinig sa mga gusto niyang sabihin.
ako ang handang tumanggap ng lahat ng gawain
upang mabatui ang kalagayan niya.

mahirap ang pinagdadaanan ng Ate ko sa kasalukuyan.
minsan ako ay tunay na sumusuko na.
umiiyak mag isa.
humahagulhol ng walang kasama.

pero kapag nakikita kong masigla ang Ate ko,
nabubuhayan ako ng lakas ng loob.

mahaba man ang pila.
mahirap man hanapin ang mga nagmamahalang gamot,
hindi pa rin ako bumibitiw na bigyan ito ng importansya.

kulang lahat ng ginagawa ko sa lahat ng kabutihan niya sa akin.
hindi man kami tunay na magkapatid, naging masaya siya sa
pagtawag ko sa kanya na "Ate".