Monday, January 3, 2011

how do you KNOW when YOU are SINGLE and UNHAPPY?


You always tell to your friends that you have been single for the longest time and that you are not constantly on the move to search for a partner, instead your just there, quiet, waiting for God to give someone you can call on your own.

but the truth is, plastik ka. kasi for sure hindi kana masaya.

may nalalaman ka pang maghihintay kana lang sa ibibigay sa 'yo na tao ni Lord, pero haaaayyy, malamang naiinip kana. at di yan masaya. in fact masyado nang depressing...

masyado kasi ata ikaw naging magulo. maybe you've had many mistakes in the past already. siguro nakakarma kana. may tao kang pinapangarap na makasama habang buhay, pero mukhang pangarap na lang yata 'yun. ewan. bahala ka.

so how do you know when you are single?

u are single when...

...kapag natapos ang buong araw mo sa office, pagod ka, dami mong ginawang trabaho at paperworks, nakauwi ka na...pero pagtingin mo sa cellphone mo, wala ka pa ring natanggap na message na "baby, r u home na?"

...siyempre pag wala ding nagtxt sa yo upang i-remind o tanungin ka kung naglunch ka na..haaay..

...syempre kung wala ka ring tinext na baby maglunch ka na at baby nakauwi ka na ba?

...'pag natapos na ang lahat ng telenovela, koreanovela, Willing Willie, Face to Face pati Showbiz News Ngayon at Juicy, isama mo na rin ang saksi at bandila and still, no one calls you to say good night and i love you..

...single ka pag pinanood mo ang latest love story/film sa sinehan ng walang kasama...

...single ka pag palagi mong kinukulit ang bestfriend mo na mag-kape kayo sa starbucks..

...single ka pag palagi mo chine-check ang my visitors mo sa friendster... at malamang kung may who viewed me portion din sa Facebook... And who's following you on Twitter...

...single ka pag palagi kang napapabuntung-hiniga pag may nakikita kang magka-holding hands sa mall...

...single ka pag 'career-oriented' ka KUNO, na kesyo priority mo muna ang career mo, but at the end of the day, you feel alone in your room...

...oo nga pala, pag kilig na kilig mong pinapakinggan ang storya ng kaibigan mo about a recent meet-up, or about a fluorishing love story...wishing na sana ikaw ang nasa lugar niya...

...single ka, pag... eto na, group date ang event mo nung valentines day...tang ina malapit na naman ang valentayms ng wala kang special someone...

...single ka pag wala pang 'bebe ko' or 'asawa ko' sa phonebook mo...

...single ka pag gusto mong pumunta ng boracay or puerto gallera pero wala kang makulit na makakasama, bagsak mo ulit sa barkada...sila na lang ang pipilitin mo...

...single ka pag wala kang picture na palagi mong tinitignan sa wallet o picture gallery ng cellphone...

...single ka kung naluluha luha ka pag naririnig mo ang mga kantang 'you should know by now', or 'i will be here', or 'somebody' or sa OPM 'pangarap ko ang ibigin ka'...

...asa ka pang may tatawag sa yo 12 midnight sa pasko (dec 24) or new year (dec 31) or pag birthday mo, eh SINGLE KA NGA eh...

...mas lalo namang wag kang umasa na may magbibigay sa yo ng stuffed toy, roses at chocolates at wala ka rin namang pagbibigyan ng mga yan dahil nga SINGLE KA!!!! (isama na rin natin ang love letters)

...wala ring maghahatid sa yo sa bahay mo, kaya umuwi kang mag-isa!

blah blah blah blah...

mas mabuti nang maglabas ka ng sama ng loob mo sa pagiging single mo kesa i-sugar coat mo ang sitwasyon mo na your happy and single kuno.

you are unhappy. you are damn too unhappy. you have to know it.

maybe somebody told you that happiness is a choice. and you should remember that for as long as you live. you have to try to do it.

pero mahirap diba??

5 comments:

salamat po sa pag view ^_^