Saturday, September 17, 2011

short kilig story : "sana balang araw"


its been a long years bago muling nakita ni riza ang childhood crush niyang si rommel. pero may girlfriend na pala ang binata. may konting pait ito sa feelings ni riza. at todo suporta at alalay naman sa kanya ang kapatid ng crush niya.



may something special kasi si michael sa bestfriend. pero ini-ignore niya ito for the sake of friendship.


dumating sa point na naging very close muli ang friendship nina riza at rommel gaya noong mga bata pa sila. sabay sila muling kumakain at naglalakad sa kalsada palabas ng subdivision kapag nagkakasabay sila.


pero hanggang doon lang ang lahat sa kanila. ang bagay na yun ang pinagseselosan ng girlfriend ni rommel.

ayaw man isipin ni nina na there is something na namamagitan sa dalawa ay iyun talaga ang gumugulo sa puso at isipan niya. madalas nila na itong pag awayan ng binata. humantong sa paghihiwalay. at parang na-guilty doon si riza ng malaman niya ang balita. humingi siya ng sorry sa kaibigan. at isang ngiti lamang ang tugon sa kanya ng lihim na minahamal.


isang biro ang sinabi ni michael sa kaibigan. na pwede na nitong karerin ang kapatid niya. dahil malaya na ito. pero hindi ito kinatuwa ni riza. kaya nag walk out siya.




kinumpronta ni nina ang babaeng dahilan ng paghihiwalay nila ng boyfriend. parang gusto naman mawala sa kinatatayuan niya si riza sa masasakit na sinabi ng kaharap.


napansin ni rommel na naging madalang na ang pagkikita nila ni riza. hindi na rin sila nagkakasabay maglakad dahil kapag nakikita siya nito ay umiiwas na ito. parang hinahanap hanap na niya ito sa tuwina.


nag-sorry si michael sa kaibigan. at isang umiiyak na riza ang yumakap na lamang sa kanya. at sa nalaman niya, nagpang abot sila ng kapatid. nagtataka na hindi lumaban si rommel sa suntok ng kapatid. pero dahil sa gusto nga ni michael na maging masaya ang kaibigan, ipinagtapat nito ang damdamin ng kaibigan sa kapatid.


parang insulto kay nina ang pakikipag-usap sa kanya ng dating nobyo. pinagtatanggol nito ang karibal niya. totoo ang suspetya niya. may nararamdaman nga ang dating nobyo sa kaibigan ng kapatid nito pero nahaharangan lamang ng relasyon nila.




handa ng iwan muli ni riza ang maynila. sana nga hindi na lamang siya bumalik dito. at ng huling sulyap niya sa bahay na tinirahan niya, isang tinig ang kanyang narinig mula sa likuran.


hindi napigilan ni riza ang mapaluha ng iabot sa kanya ng taong yun ang mga bisig nito para yakapin siya. mamimiss ni michael ang kaibigan. pero hanggang doon nalang yun. alam niya na talo siya sa laban.


at nang maghiwalay sila ng yakap ng kaibigan, ang mukhang yun ang sumalubong sa dalaga. humingi ng tawad si rommel sa nangyari. tinanggap ito ni riza at nagpaalam na dito kahit wala naman siyang balak sabihin dito ang pag alis niya. pero bago siya sumakay sa pampasaherong bus, may huling sinabi ang taong yun..."hihintayin ko ang pagbabalik mo!", na nagpangiti at nagpaluha sa kanya...


cast of characters

riza
rommel
ma.niƱa
michael



tweet me@akosichardee

No comments:

Post a Comment

salamat po sa pag view ^_^