Friday, September 30, 2011

short drama story: "ang pagitan"

"may hangganan ba ang pagkakaibigan? hanggang saan nga ba ang pagkakaibigan? binibigyan ba ito ng limitasyon? o wala pa bang bagay na puwedeng magtapos sa tunay na pagkakaibigan?"



akay-akay ni mayls ang kaibigan para manood ng isang basket ball game sa loob ng school campus nila.

crissandra : kailan ka pa nahilig manood ng basketball games ha? sobrang daming tao dito!
mayls : remember last time? may kinukuwento ako sayo na crush kong player!
            ang team nila ang maglalaro ngayon!

halos mabingi si crissandra sa hiyawan ng mga taong naroon kasama si mayls na todo rin ang hiyaw at tili ng magsimula na ang laro para suportahan ang hinahangaan nitong player. sinundan ng tingin ni crissandra ang pagturo ng kaibigan sa tinutukoy nitong crush na player.

mayls : siya si rocky. meet my crush bff =) transferee sa school! ang cute niya di ba?
crissandra : r-rocky!

since grade school days ay BFF na sina crissandra at mayls. naghiwalay lang sila nang four years nang mag migrate sa davao ang pamilya ni crissandra. pero hindi naman nawala ang komunikasyon nilang magkaibigan. at ang good news after four years ay bumalik ng maynila si crissandra para mag aral ng college at same school sila ng bff.

crissandra : blooming ka yata today =)
mayls : kinikilig kasi ako =) same organization kami ni rocky at presidente ako ng fans
            club ng team nila =) mas lalo akong mapapalapit sa kanya =) hay =)

excited everyday si mayls pumasok ng school at umattend sa mga campus activities dahil halos naroon din ang crush niyang player. very open siya sa crush na player na crush niya talaga ito. at friendly naman si rocky sa lahat ng mga humahanga sa kanya lalo na sa presidente ng fans club ng basketball team nila.

rocky : mukhang dumarami na ang mga members natin ah! ang sipag mo naman =)
mayls : naku! nagba-blush tuloy ako sa sinabi mo O_O

ipinakita ni mayls ang picture sa cp niya kung saan naroon silang magkasama ng crush niyang player sa kaibigan. pinagmasdan naman ni crissandra ang picture. at puno ng kahulugan niyang tinitigan ang larawan ng player.

mayls : super close na kami =) as in close na close =)
crissandra : im happy for you =)

championship day. maaga palang ay pinauna nang pinapunta ni mayls sa court ang kaibigan. at bago siya makipagkita dito, tumungo muna siya sa locker room ng mga players ng team na sinusuportahan niya. para lamang mag bigay ng isang " good luck " sa crush na player. pero natigilan si mayls nang marinig ang boses na pamilyar sa kanya.

crissandra : good luck =)
rocky : salamat =)

hindi natuloy ang pagpapakita ni mayls sa dalawa ng masilip niyang hawak ni rocky ang dalawang kamay ng kaibigan niya at magkatitig ang mga mata ng mga ito.

tapos na ang laro. panalo ang team nina rocky. nagpasalamat ito bilang mvp sa mga taong sumuporta sa kanilang team. binanggit pa nito ang pangalan ni mayls bilang presidente ng fans club ng team nila. pumalakpak ang lahat para kay mayls. pero parang hindi ito naririnig ng dalaga.

crissandra : uyyy. special mentioned siya ng crush niya =) are you ok?
                    kanina ka pa parang tahimik! ang weird ha! panalo na ang team nina rocky =)
mayls : nakita ko! narinig ko! napanood ko! paulit-ulit?!!

sinundan ni crissandra ang kaibigan na tila wala sa mood. pero hindi ito pinapansin ni mayls kahit na nagsasalita ito na nag-aalala para sa kanya.

crissandra : tara. lapitan natin sila. to congratulate them personally =)

tumigil sa paglalakad si mayls. nilingon nito ang kaibigan na nakangiti. pero nawala ang ngiti sa mga labi ni crissandra ng makita ang blankong itsura ng kaibigan.

mayls : eh bakit mo pa sa akin sinasabi yan? eh di pumunta ka! gawin mo!
crissandra : ano bang problema mayls? kanina mo pa ako sinusungitan =(

tinabig at tinulak ni mayls palayo ang mga kamay ng kaibigan ng tangkain siya nitong lapitan at hawakan.

mayls : tama na! tigilan mo na ang pagpapanggap! nakita ko kayo kanina ni rocky
            sa locker room bago magsimula ang game! at hindi ako tanga sa
            nakita at narinig ko BFF!!!
crissandra : mayls! mali ang iniisip mo sa amin ni rocky! halika! mag usap muna tayo!

natigilan si crissandra ng makita ang pagluha sa magkabilang mata ng kabigan. walang kakurap kurap si mayls na masama ang tingin sa kaibigan. tanda na talagang malabong magkaayos sila sa oras na yun.

crissandra : kausapin mo ako kapag gusto mo na...
mayls : hindi na siguro kailangan BFF! tama sila! bata palang tayo ikaw na ang maganda!
            ikaw na ang matalino! ikaw na ang pabortio at gusto ng lahat! ikaw na!

masakit man, nagawa yung sabihin lahat ni mayls sa matalik na kaibigan. tumalikod siya dito. at naiwang nag iisa sa lugar na yun si crissandra. marami ang nakakita sa pangyayaring yun. pero hindi iyun napapansin ng dalaga hanggang sa namalayan niya ang pagdaloy ng mga luha mula sa kanyang nanlalabong mga mata habang sinusundan ng tingin ang papalayong kaibigan.

rocky : hey ms. president! bakit hindi ka umattend at hindi kita nakita sa victory party?
           gusto kong sumama ang loob sayo =)
mayls : r-rocky...ikaw nalang ang meron ako, pero bakit pati ikaw gustong kunin sa akin ng
           kaibigan ko...ang swapang niya naman...
rocky : why? ina-admire din ba akong kaibigan mo? nasa fans club ba? dapat lagi kayong
            mag-uunawaan =) nagbibigayan at laging maganda ang samahan =)
mayls : hindi mo naiintindihan =)

hindi napigilan ni mayls ang sarili. umiyak siya. umiyak siya ng umiyak. inihilig ni rocky ang ulo ng dalaga sa balikat niya.

rocky : ano bang nagyari?
mayls : nag away kami ng bff ko dahil sayo! inaway ko ang bff ko nang dahil sayo...
rocky : sorry...hindi ko man nalalaman ang tunay na pangyayari, hangad ko
            na magkaayos kayo
            ng bff mo...

high school days. magkasintahan sina rocky at crissandra. naghiwalay sila dahil kailangan mag-college ni crissandra sa maynila. after two years, sumunod si rocky dito. nag transfer ng same school sa dating nobya at umaasang magkakabalikan muli sila.

crissandra : hindi niya naiinitidihan! walang alam si mayls tungkol sa nakaraan natin!
rocky : hindi ko rin naman ang tungkol sa kanya! at saka hindi naman siya ang
            sinundan ko dito sa maynila! ikaw!
crissandra : matagal na tayong tapos! wala na akong damdamin para sayo!
                    akala ko ba ok lang sayo na magkaibigan nalang talaga ang kaya ko
                    sa pagitan natin!
rocky : ganun nalang ba yun?
crissandra : hindi bola ng basketball ang damdamin namin rocky!
                  
napasuntok sa pader si rocky sa galit, inis at awa sa sarili dahil sa tuluyang pagtatapos ng dating kasintahan sa nakaraang ugnayan nila.

at ang tagpong yun ay nasaksihan ni mayls. dahan-dahan siyang napaupo sa panghihina habang nakasandal sa pinagtataguang pader. humihikbi siya. naguguluhan at nagsisisi.

bagong season ng laro. naroon si crissandra para suportahan ang team ng dating kasintahan. kumaway pa siya kay rocky para ipakita ang pagsuporta dito.

mayls : kailan ka pa nahilig manood ng basket ball games?

natigilan doon si crissandra. parang batang umiiyak na lumapit si mayls sa kaibigan.

mayls : alam ko na ang buong katotohanan! naiinis ako sayo! BFF mo ako
            pero hindi mo naikukuwento sa
            mga emails mo ang tungkol sa kanya!

nilapitan ni crissandra ang kaibigan at niyakap. yumakap din dito si mayls. luhaan na silang pareho.

crissandra : i miss you bff =)
mayls : ok na sa akin ang libreng siopao mamaya T_T

sa birong iyun, alam ni ni crissandra na ok na talaga sila ng kaibigan. at sa malayo ay nakatanaw lamang si rocky sa dalawa. at bago siya naglaro ay masaya siyang nagkaayos na ang mga BFF.

-end-

mayls
crissandra
rocky

i made this short story bilang pagbabalik tanaw sa magandang samahan ng dalawang magkaibigan.

No comments:

Post a Comment

salamat po sa pag view ^_^